Inaanyayahan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Poland ang mga miyembro ng samahang Pilipino sa Poland para sa gaganaping Pulongbayan at Paskong Pinoy sa darating na Linggo, ika-18 ng Disyembre 2016 sa Consular Hall ng Pasuguan. Pasisimulan ng Banal na misa ang pagdiriwang sa 11:00 ng umaga at susundan ng pagtatalakay ukol sa Gender Sensitivity at ukol na rin sa pagpapatuloy ng pagpaparehistro para sa Overseas Absentee Voting bilang paghahanda sa Halalan sa 2019. Matapos ang mga presentasyon, magkakaroon po ng salu-salo at ang programa para sa Paskong Pilipino. Ang mga nagnanais na makilahok sa exchange gift ay pinapayuhan na magdala ng regalo na di bababa sa 50 PLN ang presyo. Ang aktibidad na ito ay magbibigay rin po ng pagkakataon para sa mga hindi pa nakarehistro sa Overseas Voting, pati na rin ang mga dating rehistrado na di nakaboto sa dalawang nakaraan na halalan, para maghanda ng kanilang aplikasyon at ang pagkuha ng kanilang biometrics. Bilang requirement, tiyakin pong magdala...
Pinoys (Filipinos) in Poland useful info for Filipinos coming to Poland particularly in Warsaw