Ang pinakahuling pagkakataong bumoto ay sa ika 11:00 ng Umaga ng 13 Mayo 2019. Para sa mga rehistradong botante na hindi pa nakakatangap ng kanilang voting packet sa pamamagitan ng postal mail, magtungo lamang sa Embassy para malaman kung ang inyong voting packet ay kasama ng mga returned mail o kaya nasa Embassy dahil sa kakulangan ng postal address. Mananatiling bukas ang Embassy sa Sabado at Linggo, 11 at 12 ng Mayo (mula ika 9:00 ng umaga hanggang ika 5:00 ng hapon) para sa pagboto o pag-locate ng returned voting packets. Maa-ari din kayong mag-obserba ng bilangan na sisimulan pagkalipas ng pagsasara ng halalan sa ika 11:00 ng Umaga ng 13 Mayo 2019. Ipaalam po natin sa iba nating kababayang botante ang mga paalalang ito! Para sa mga katanungan, maari po kayomg tumawag sa: +48-22-4902025
Pinoys (Filipinos) in Poland useful info for Filipinos coming to Poland particularly in Warsaw