Inaanyayahan ang Filipino Community sa Poland sa pagdiriwang ng ika-114 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan” . Gaganapin ang ating pagdiriwang sa Linggo, ika-17 ng Hunyo 2012. Sumusunod ang ating Programa: Pagdiriwang kasama ang Filipino Community sa Poland Linggo, 17 Hunyo 2012 Pasuguan ng Pilipinas Ulica Lentza 11, Warsaw Programa 11:00 AM Misa 12:00 PM Tanghalian 14:00 PM Pelikulang “Himala” 16:00 PM Pagtatapos ng programa Sa selebrasyong ito, malugod pong tatanggapin ang anumang putaheng babagay sa kanin at barbeque na ipapaunlak ng Embahada. Maari pong putaheng gulay o panghimagas ang inyong ipaunlak. Hanggang sa muling pagkikita.
Pinoys (Filipinos) in Poland useful info for Filipinos coming to Poland particularly in Warsaw