Inaanyayahan ang Filipino Community sa Poland sa pagdiriwang ng ika-114 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan”. Gaganapin ang ating pagdiriwang sa Linggo, ika-17 ng Hunyo 2012. Sumusunod ang ating Programa:
Linggo, 17 Hunyo 2012
Pasuguan ng Pilipinas
Ulica Lentza 11, Warsaw
Programa
11:00 AM Misa
12:00 PM Tanghalian
14:00 PM Pelikulang “Himala”
16:00 PM Pagtatapos ng programa
Sa selebrasyong ito, malugod pong tatanggapin ang anumang putaheng babagay sa kanin at barbeque na ipapaunlak ng Embahada. Maari pong putaheng gulay o panghimagas ang inyong ipaunlak.
Hanggang sa muling pagkikita.
Comments