Ang lahat po ay inaanyayahang dumalo sa isang Pulong Bayan sa Linggo, ika-15 ng Nobyembre 2015 sa ganap na alas 11 ng umaga na uumpisahan ng isang Banal na Misa para sa alaala ng yumaong dating pangulong Elpidio Quirino.
Ito ay susundan ng pagpapalabas ng tatlong parteng dokumentaryo ukol sa issue ng “West Philippine Sea” na may mga pamagat na “Karapatan sa Karagatan”, “Pamanang Karagatan”, at “Paninindigan para sa Karagatan”.
Magkaisa po tayo upang protektahan ang karapatan sa ating pangdagat na teritoryo na itinatakda ayon sa pandaigdigang batas (International Law) lalo na ng United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS).
Magkakaron din ng isang maiksing presentasyon na may temang “Elpidio Quirino – Guro hanggang Pangulo” – Paggunita sa ika 125 taong pag-silang ng ating dating pangulong Elpidio Quirino na ipinanganak nuong 16 Nobyembre 1890.
Sa araw na ito, tayo po ay magkaisa at magbayanihan ayun sa itinataguyod ng #EBAldubnation na kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa pagsasabuhay nitong muli ng mga magandang kaugalian at tradisyong Pilipino.
Ang pasuguan ay maghahanda ng maliit na salu-salu pagkatapos ng pagpupulong. Ang mga nais dumalo sa Pulong Bayan ay pinakikiusapang magparehistro sa pamamagitan ng pag e-mail sa pe.warsaw@gmail.com upang malaman naming kung gaano kadamiing pagkain and dapat ihanda.
Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa ika-10 November 2015, 2:00 ng hapon.
#Aldubnationpoland #magkaisapamoreparasabayan
Members of the Filipino community in Poland are invited to attend a Forum on Sunday, 15th of November 2015 at 11:00 am commencing with a Holy Mass in memory of the late President Elpidio Quirino.
This will be followed by a screening of a three-part documentary about the "West Philippine Sea
Issue entitled “Karapatan sa Karagatan”, “Pamanang Karagatan”, at “Paninindigan para sa Karagatan”.
Let us unite to protect our marine entitlements as defined by the international law specifically the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
There will also be a brief presentation on the life of "Elpidio Quirino - Teacher to President" - Commemorating the 125th birth anniversary of our former President Elpidio Quirino who was born on 16 November 1890.
The embassy will prepare snacks and refreshments after the forum. That is why it is necessary for those who will attend to register by e-mail at pe.warsaw@gmail.com. Deadline for the registration is on 10 November, at 2:00 pm.
Comments