Meron isang charity fund drive ang Pinoys in
Poland na makatulong sa maliit na paraan
para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong. Marami sa mga nasalanta ay
nawalan ng kabuhayan at marami sa kanila ang namatayan ng anak
or kamag-anak. Ang malilikom na pera ay hindi gagamitin para sa relief
goods, kundi itutulong yun para makapagsimula sila ulit. Maaring
bigyan sila ng alagain baboy or manok o kung anumang kabuhayan ang
pwedeng maibigay sa kanila.
Magkakaroon
ng isang raffle draw para sa kanila na gagawin sa Sunday brunch ng
Radna sa darating na January 29. Hinihingi ko ang inyong
tulong na makalikom ng sapat para maipadala sa convent ng Franciscan
Missionaries of Mary (FMM –congregation ni Sr. Yolanda). Ang premyo ay
1st : Classic Vintage car ride from airport to anywhere in
Warsaw (Rolls Royce)
2nd: Asus netbook
3rd: Samsung cellphone
4th: Nikon coolpix camera
10
PLN per ticket pero kung mas marami kayong maibibili at maitutulong ay
maraming salamat. Ang isang bundle ay 10 tickets na ang
halaga ay 100 PLN.
Ang raffle draw na eto ay mayroong kooperasyon ng Radna Parish, Philippine Embassy at Franciscan Missionaries of Mary.
Comments