Paalala lang po sa ating mga OFWs sa Taiwan, sa Middle East, Asia, at sa Pilipinas: mag-ingat sa mga illegal recruiters to POLAND!
1) POEA accredited ang recruitment agency
- Tiyakin na yung Philippine recruitment agency na nag-aalok ng trabaho sa inyo patungong Poland ay POEA-accredited.
- Kapag hindi POEA-accredited, at based sa Dubai, Kuala Lumpur or kung saan-saang lugar sa abroad, at sa social media lang nakikipag-ugnay, walang opisina sa Pilipinas na accredited sa POEA -manloloko iyan - DO NOT DEAL WITH THEM! I-REPORT KAAGAD SA POEA.
2) May recibo lahat ng binabayaran
- Tiyakin na lahat ng fees na kinokolekta ng recruitment agency are may recibo!
- Pag hindi covered ng receipts, manlolokong agency iyan, DO NOT DEAL WITH THEM at I-REPORT KAAGAD SA POEA.
3) Tama lang ang deployment fee
- Tiyakin na ang deployment fee ay nasa humigit or kumulang isang buwang sahod lamang. Kapag 260,000 PHP minsan 350,000-450,000 PHP pa ang bayad (dahil may 2 weeks pa na hotel sa Kuala Lumpur, etc), manloloko ang agency na iyan, DO NOT DEAL WITH THEM, at at I-REPORT KAAGAD SA POEA.
4) Walang pautang galling sa kasamang lending company
- Tiyakin na hindi kayo pinapahiram ng pera para ibayad sa deployment fee mula sa sister lending company. Kapag ang napakataas na deployment fee ay pinahiram sa kasabwat na lending company at may interest na 3% per month (36% per year!), manloloko ang recruitment agency at kasabwat na lending agency - DO NOT DEAL WITH THEM, at I-REPORT KAAGAD SA POEA.
5) Panggap lang pala ang contract diyan sa Pilipinas – huwag magpaloko
- Tiyakin na ang trabaho na inaalok sa inyo ay tunay na employment contract (long-term Polish labor law employement contract), at hindi SEASONAL, TEMPORARY, PAKYAW basis (Polish civil law contract) lamang - na wala lahat ang proteksyon ng POEA model employment contract - walang sick leave, walang overtime pay, walang vacation leave, etc, and ang bayad ay hourly wages! Mababa at nahuhuli and sahod dahil ang bayad ng Polish employer kinakaltasan ng Polish recruitment agency. Ito yung mga low skilled factory workers, carpenters, fruit pickers, vegetable pickers, bakery workers, mushroom pickers, piggery workers, poultry product workers, fruit processing, vegetable processing, etc. Kapag SEASONAL / TEMPORARY LANG (Polish civil law contract), DO NOT DEAL WITH THEM, at I-REPORT SA POEA.
6) Paano malaman na seasonal temporary work arrangement lang pala ang inaalok
- Paano mo malaman na seasonal / temporary work arrangement lang pala ang tunay na binibigay sa inyo? Kapag Polish recruitment agency ang nag-aareglo at kausap ninyo, at hindi directly ang Polish employer. Ipapasa-pasa lang kayo ng Polish recruitment agency sa ibat-ibang employer.
- Para siguro na Polish employer at hindi lamang Polish recruiter ang kausap ninyo, itanong sa POEA o kaya sa Philippine Overseas Labor Office sa Geneva, dahil sila ang may hawak ng Poland. Isang e-mail lang (polo.geneva@dole.gov.ph) at matiyak na ninyo kung mabuti ang offer o kaya dapat iwasan.
7) Ano ang mangyayari pag pinasukan ninyo ang "magandang offer" na ito?
- Mapapasok lang kayo sa KAPAHAMAKAN. Wala kayong Philippine recruitment agency na accredited ng POEA. Nagbayad kayo ng napakataas, yung iba may mataas (usurious!) pa na interest rate, at mababaon lang kayo sa utang.
- Pagdating ninyo dito sa POLAND, magugulat na lang kayo na pinapapirma kayo ng Polish recruitment agency ng pangalawang BAGONG CONTRACT - isang TEMPORARY, SHORT-TERM, SEASONAL CONTRACT (Polish civil law pakyaw contract) na ibang iba doon sa pinangakong terms and conditions ng unang kontrata sa Pilipinas (CONTRACT SUBSTITUTION). Mahirap ang trabaho, pangit ang working conditions, at napakababa ang sahod, dahil yung sahod na binabayad ng employer ay kinakaltasan pa ng Polish recruitment agency, at palaging nahuhuli ang sahod. Walang vacation leave, walang sick leave, walang overtime pay.
Huwag magpabiktima! Alamin ang tama at tuwid na recruitment procedure. Iwasan maging biktima ng nga unscrupulous na illegal recruiters to Poland na nagkalat sa social media! Itanong sa POEA bago mag bayad ng kahit konti sa mga illegal recruiters na nag offer ng "magandang trabaho sa Poland (Europe)"!
Contact info of Philippine Government Agencies:
Philippine Embassy in WarsawPOEA
POLO Geneva
Comments
Plz don't fall in this UA immigration fake company trap.
Be safe
Familiar po ba kayo sa PWG Group? They are claiming to be an agency na nakapagdedeploy ng mga workers sa Canada at Poland, Dubai-based daw po sila.
At nagsent sa email ko ng retainer aggrement.
Legit kaya ito?
.
hi po hindi po wag kayo maniwala