Mga mahal kong Kababayan, Karangalan ko pong imbitahan ang bawat-isa sa inyo na maging Tourism Ambassador ng Pilipinas. Paano po? Imbitahan po ninyo ang inyong mga kakilalang Polish – mga kaibigan, kasama sa trabaho, pari, guro, duktor, dentista, classmates, kapit-bahay, kamag-anak, o sino pa man – na bisitahin ang ating Philippine Booth sa LATO 2013 Trade Fair. (Ang ibig sabihin ng “lato” ay “tag-araw” o “summer.”) Ang LATO 2013 Trade Fair ay gaganapin mula sa darating na Byernes hanggang Linggo (19- 21 Abril 2013) magmula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon (10:00 am- 5:00 pm) sa Byernes at Linggo, ngunit hanggang 6:00 pm sa Sabado. Ito po ay sa MT Polska Trade Fair and Congress Center sa 56c Marsa St. Warsaw, Poland. Ang LATO 2013 ay isang malaking palengke kung saan ang isang bansa o kompanya ay pwedeng ipakita at ibenta ang kanilang mga produktong turismo tulad ng magagandang tanawin o atraksyon, makasaysayang pook, diving destinations, beaches, spas, resorts, ...
Pinoys (Filipinos) in Poland useful info for Filipinos coming to Poland particularly in Warsaw