Mga mahal kong Kababayan,
Karangalan ko pong imbitahan ang bawat-isa sa inyo na maging Tourism Ambassador ng Pilipinas. Paano po? Imbitahan po ninyo ang inyong mga kakilalang Polish – mga kaibigan, kasama sa trabaho, pari, guro, duktor, dentista, classmates, kapit-bahay, kamag-anak, o sino pa man – na bisitahin ang ating Philippine Booth sa LATO 2013 Trade Fair. (Ang ibig sabihin ng “lato” ay “tag-araw” o “summer.”)
Ang LATO 2013 Trade Fair ay gaganapin mula sa darating na Byernes hanggang Linggo (19- 21 Abril 2013) magmula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon (10:00 am- 5:00 pm) sa Byernes at Linggo, ngunit hanggang 6:00 pm sa Sabado. Ito po ay sa MT Polska Trade Fair and Congress Center sa 56c Marsa St. Warsaw, Poland.
Ang LATO 2013 ay isang malaking palengke kung saan ang isang bansa o kompanya ay pwedeng ipakita at ibenta ang kanilang mga produktong turismo tulad ng magagandang tanawin o atraksyon, makasaysayang pook, diving destinations, beaches, spas, resorts, hotel, at iba pa.
Ang paglahok ng Pilipinas sa LATO 2013 ay bunga ng pagsasanib pwersa ng “Team Philippines - Tourism” – isang kolaborasyon ng Philippine Embassy sa Warsaw, ng Philippines’ Tourism Promotion Board (TPB) sa pamumuno ni Undersecretary Domingo Ramon “Chicoy” C. Enerio, kasama ng iba pang opisyal ng TPB na sina Bb. Susan del Mundo, Gng. Ernie Teston, at Bb. Nedalin Miranda; at ng Office of the Undersecretary for International Economic Relations (OUIER) ng DFA sa pamumuno ni Undersecretary Laura del Rosario.
Subalit ang tagumpay po ng paglahok ng Pilipinas dito as nasasa-kamay ng bawat-isa sa inyo.
Lahat po kayo ay hinihimok naming bumisita sa Philippine booth upang malaman ang ibat-ibang tourist destinations sa ating bansa. At gaya na po ng nasabi na, “Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.”
Inaasahan po naming magkakaisa tayong muli upang tanghalin ang Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista mula sa Poland at sa buong daigdig. Mabuhay ang Pilipinas!
Ang inyong lingkod,
Patricia Ann V. Paez

Comments