Ang lahat ng Pilipino sa Poland ay ini-imbitahang dumalo sa “Pulong Bayan with PASEI: Makabuluhang Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan” na gaganapin sa Linggo, 10 Hunyo 2018 mula alas dose ng tanghali.
Ang PASEI ay ang Philippine Association of Service Exporters, Incorporated. Ito ay isang kilalang asosasyon ng mga labor recruiters. na base sa Pilipinas. Ang pagpupulong na ito ay mahalaga lalo na sa ating mga OFWs na nag-iisip na lumipat ng trabaho sa ibang kompanya sa Poland o sa ibang bansa dahil alam ng mga taga-PASEI kung ano ang mga oportunidad para sa mga OFWs.
Ang PASEI delegation na binubuo ng 29 na katao ay darating sa Warsaw sa 10 June. Sa mga susunod na araw ay makikipagpulong sila sa mga kumpanya sa Poland na interesadong mag-hire ng Filipino workers at professionals (teachers, doctors, nurses, construction or agricultural workers, etc.)
Upang hindi maaksaya ang ihahandang pagkain at inumin ng Embassy, sino mang nais dumalo sa pulong bayan sa 10 June ay nire-request na mag-email sa Embassy sa pe.warsaw@gmail.com.
Ang kabuuan ng programa para sa June 10 ay i-a-anunsyo ng Embassy sa mas madaling panahon.
Kung sino man po sa Filipino community ang handang pag-perform (awit, sayaw, tula, etc.) ay nire-request lang pong makipag-ugnayan sa Embassy by email o kaya ay tumawag kay Consul Alnee Gamble sa +48 604 383 203.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pagtangkilik.
Comments