INFO SHEET FOR FILIPINO WORKERS WHO WANT TO VISIT THE PHILIPPINES AND RETURN TO POLAND: OEC (Overseas Employment Certificate)
Gusto kong mag bakasyon sa Pilipinas. Ano ang kailangan ko para makabalik ako sa trabaho ko sa Poland?
Bukod sa visa to Poland (permit to enter Poland) o TRC (permit to stay and work in Poland) ay kailangan ninyo ang OEC (Overseas Employment Certificate).Ang OEC ay "permit to leave the Philippines bilang OFW". Binibigay ito ng POEA bilang patunay na kayo ay mayroong "OK" na labor contract na ipapakita ninyo sa Bureau of Immigration at para hindi na kayo magbayad ng Travel Tax sa NAIA and iba pang mga airports.
Kaya bago pa kayo umalis ng Poland ay seguraduhing VERIFIED na ang
inyong labor contract sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa
Prague, na kung tawagin ay Prague PE Labor. Ang ating Labor Attachée na
si Atty. Llewelyn D. Perez ang siyang mag VERIFY ng labor contracts mula
sa Czech Republic, Poland, sa Estonia, Latvia, Lithuania at sa Ukraine.
Lumapit lang sa Prague PE Labor - e-mail: polo_warsaw@dole.gov.ph o di
kaya sa WhatsApp: +420 602 187 598 - para ma verify ang contract ninyo.
Can the Embassy not verify my contract? Hindi ba maari na Embahada na lang ang mag apostille sa labor contract ko?
No, hindi po. Prague PE Labor lamang ang maka VERIFY ng labor contracts
mula sa anim (6) na bansa na nabanggit sa itaas. At hindi Apostille ang
kailangan ninyo, VERIFICATION OF LABOR CONTRACT po ang kailangan ninyo.
Pag may verified labor contract na ako, paano ako makakuha ng OEC?
Bisitahin ang website ng dmw.gov.ph, i click ang online services at piliin ang BM Online Processing/Balik Mangagawa. Maaring ilipat ang existing BM record o kumuha ng appointment kung kelan makakapunta ang OFW sa POEA upang kumuha ng OEC.
Sa araw ng appointment ng pagkuha ng OEC ay dahalin ang mga requirements
na nakasaad sa confirmation email ng inyong petsa at oras ng appointment
sa POEA.
Tandaan ninyo, kakailanganin nyo lang ang OEC pag kayo ay lalabas na ng
Pilipinas, at 60 days lang valid ang OEC. Kaya huwag agahan ng husto
ang pag apply ng OEC dahil magiging expired at hindi na magagamit ang
OEC ninyo sa araw ng inyong paglipad.
Will the verification of my labor contract not expire? Pag na verify na ang labor contract ko, hindi ba mag expire ang verification na ginawa ng Prague PE Labor?
Hindi po mag expire yang verified contract ninyo kung hindi kayo magbago ng employer (returning to same employer kayo). Pero kung nag change employer na kayo, kailangan nyong magpa-verify ulit, kasi nagbago na and labor contract ninyo.For further questions, please contact PH Embassy in Warsaw +48 694 491 664.