Ano ang "Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs" (OUMWA)?
Ano ang “OFW Help” Facebook page?
Paano nabibigyan ng ng atensyon ang mga OFW na nangangailangan ng tulong.
Paano pinangangasiwaan ng OUMWA ang mga emergency na sitwasyon ng OFW?
Frequently Asked Questions About OFW Assistance (English Version)
Ano ang "Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs" (OUMWA)?
Ang pangunahing responsibilidad ng OUMWA ay ang paglalaan ng pangkalahatang koordinasyon ng mga Assistance to Nationals (ATN) at pagbibigay ng serbisyo sa lahat ng OFW na may problema sa ibang bansa sa pamamagitan ng Foreign Service Posts (Philippine Embassies/Consulates).Ang OUMWA ay nakikipag-koordinasyon sa mga sumusunod na ahensya ng gobyerno:
- Department of Labor and Employment (DOLE)
- Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
- Bonafide Civil Society Organizations (CSOs)
Ano ang “OFW Help” Facebook page?
Ang “Overseas Filipino Workers Help” Facebook page ay social media platform para sa OFW na undocumented o irregular workers na hindi myembro ng OWWA na nangangailangan ng agarang tulong.Nais ng pahina na ito na makapagbigay ng mahusay at maayos na sistema sa pagtanggap ng mga panawagan ng mga kamaganak ng OFW o ang mismong OFW na nangangailangan ng tulong galing sa OUMWA case officers. Nangunguna na rito ang mga kliyente na hindi kaya o nahihirapan na puntahan ang pinakamalapit na Post (Philippine Embassies/Consulates).
Paano nabibigyan ng ng atensyon ang mga OFW na nangangailangan ng tulong.
- Pagkatapos matanggap ng OUMWA ang mensahe ng paghingi ng tulong ng OFW, inihahatid ang mensaheng ito para sa mga nakalaan na pinakamalapit na Foreign Service Post (Philippine Embassy/Consulate) bansang kinaroroonan ng OFW.
- Ang embassies at consulate sa ibang bansa ay magsasagawa ng groundwork kasama ang employer at may awtoridad sa host government upang maasikaso ang kaligtasan o problema ng nasabing OFW. Kasunod na proseso ay ang pagbibigay ng ulat sa malalapit na kamaganak ng OFW, sa anumang bagong impormasyon ukol sa kaso.
Paano pinangangasiwaan ng OUMWA ang mga emergency na sitwasyon ng OFW?
Sa kaso ng mga emergency na sitwasyon (kaguluhan sa politika, natural na kalamidad, kalamidad na gawa ng tao at sa mga di inaasahang pangyayari), binabantayan ng OUMWA ang sitwasyon sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga ulat mula sa aming mga embassies/consulate. Ito ang magbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga interesado na partido, kasama ang pagpapadala ng mga tauhan upang matugunan ng maayos ang kalagayan ng apektadong OFW.Source
OFW Help